Posts

Showing posts from April, 2022

Tekstong Prosijural

Image
1. Ihanda ang mga materyales na gagamitin at pagtitimplahan, siguraduhing malinis ang pag hahaluan. Maghanda rin ng buhangin o fine sand. 2. Sa pag sasala ng buhangin, kung ito ay nabili ng nakasako lamang ay sisiguraduhing sasalaing maiigi ang mga ito upang walang matirang maliliit na bato mahalaga itong maalis upang hind imaging sagabal at hindi mahirapan sa pagpapalitada.  3. Ihalo ang semento at kumuha ng dalawang pala at haluin ito, siguraduhing maayos na nahalo ang buhangin at semento. 4. Butasan sa gitna kung saan maaaring ibuhos ang tubig, unti unting buhusan ng tubig at tantsahin ang lambot ng buhangin at semento.

TEKSTONG IMPORMATIBO

Neologismo Ang Neologismo ay isang bagong termino, salita, o parirala, na maaaring nasa proseso ng pagpasok sa pangkaraniwang gamit, subalit hindi pa ganap na tanggap sa pang-araw araw na wika. Kadalasang inuudyukan ang neolohismo ng mga pagbabago sa kultura at teknolohiya, at kadalasang tuwirang tumutukoy ang neolohismo sa isang tiyak na tao, lathala, panahon, o pangyayari. Sa proseso ng pagbubuo ng wika, mas maygulang ang mga neolohismo kaysa sa mga protolohismo. Ang isang salita na may panimulang yugtong nasa pagitan ng protolohismo (kakalikha) at neolohismo (bagong salita) ay prelohismo. Ang mga neologismo ay madalas na nabuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga mayroon nang salita o sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga salita ng bago at natatanging mga panlapi o mga unlapi. Ang mga neologism ay maaari ring mabuo sa pamamagitan ng paghahalo ng mga salita, halimbawa, ang "brunch" ay isang timpla ng mga salitang "agahan" at "tanghalian", o sa pamamagit

TEKSTONG ARGUMENTATIBO

Tekstong Argumentatibo Ang bansang Russia ang pinakamalaking bansa sa buong Europe.Ito ang bansang nakalagak sa dalawang kontinente,ang silangang bahagi nito ay nakapaloob sa Asya at ang kanlurang bahagi nito ay nakalagak sa Europa.Halos isa sa walong bahagi ng lupain sa daigdig ay sakop ng Russia. Taong 1992 ng mabuo ang Union of Soviet Socialist Republics (USSR) na mas kilala sa tawag ng Soviet Union at dalawa sa pangunahing haligi nito ay ang Russia at Ukraine, lumago ang komunistang union at matapos ang ilang dekada naging lipon ito ng labinlimang republika, pinaka domenante rito ang Russia na nagging isang Super Power dahil na rin sa Nuclear Weapons nito, pero kalaunan ay nagging magulo ang Soviet Union dahil sa napakaraming intriga dahil sa politika, Ekonomiya at pag gastos ng pondo. Taong 1991 matapos ang halos pitong dekada tuluyan itong bumagsak ang dahilan ay ang pag boto ng Ukraine para sa kalayaan sa isang Democratic Referendum. Lumakas ang impluwensya ng Europa at ng Ameri

BALANGKAS AT SANAYSAY

BALANGKAS l. Introduksyon Ayon sa ating yumaong pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal, Kabataan ang pag-asa ng bayan. Ang daming kabataan na ang naligaw na ng landas. Nalulolong sa droga, tamad ng mag-aral, nagagawi sa mga maling bisyo at nasasangkot sa mga krimen. Patagal na ng patagal nawawala na rin ang kanilang respeto sa paaralan at maging sa kanilang tahanan. Nawawalan na sila ng paggalang sa mgamas nakakatanda, kapwa at sa kanilang mga magulang at maging sa paggamit ng ‘po at opo’ kanila na ring kinalimutan. Maraming kabataan ang matatawag mo pang pag-asa ng bayan, may mataas na pangarap sa buhay ,may pagpapahalaga sa edukasyon at may pagmamahal sa ating bayan, ngunit mas marami parin ang mga kabataang walang direksiyon sa buhay, mga kabataang nagbago kasabay ng paglipas ng panahon. II. Ugali at paraan ng pamumuhay A. Positibo 1. Mabuting Mag-aaral- Sa panahon ngayon marami rin ang nagsusumikap sa pag-aaral upang mas maabot nila ang tagumpay. 2. Mabuting Mamamayan- Sa pag sal

Tula tungkol sa pulitika

Dito sa Pilipinas Sa Pilipinas na ating kinagisnan Tuwing mayo maraming nag babangayan Para ng mga aso kung magtahulan Puno na ng pulitika ang usapan Pulutikang parumi na ng parumi Mga balimbing wari ay dumarami Pagpapakitang tao doon at dito Magbabait sa una upang iboto Ngunit kapag sila na ang nakaupo Nag mistulang bula sila ay nag laho Bulok na sistema ang kalalabasan Kahirapan lalo ang patutunguhan

Kaugnay sa larawan

Image

Pagsasaling Wika

PAGSASALING WIKA – GROUP 4 Implikasyon ng Pandemya sa Pang-Akademikong Performans ng mga Mag-aaral Ang papel na ito ay layuning ilarawan ang kahirapan sa pag-aaral ng mga  estudyante sa gitna ng krisis sa COVID-19. Sa kontekstong ito ng Pilipinas, ang remote na pag-aaral ay nagpapakita ng digital na pagkakahati-hati sa mga estudyanteng Pilipino (Santos, 2020). Ang kasalukuyang  sitwasyon sa pag-aaral ay maaaring magpalala ng mga umiiral na hindi pagkakapantaypantay at maaaring isalin sa mga hadlang sa online na pag-aaral. Halimbawa, isang cross-sectional na pag-aaral na isinagawa sa buong bansa iniulat na tatlumpu't dalawang porsyento (32 %) at dalawampu't dalawang porsyento (22%) sa 3, 670 Pilipinong medical,  ang mga mag-aaral na sinuri ay nahihirapang mag-adjust sa mga bagong istilo ng pagkatuto at walang maaasahang internet access, ayon sa pagkakabanggit (Baticulon et al., 2020). Para sa ilan, maaaring nahihirapan itong bumili ng facilitative na kagamitan sa  pag-aaral upan

Pangkatang gawain

Image
I. Kasarian ng mga Kalahok Impormants    Interpretasyon : Sa unang talahanayan, ipinapakita ang kasarian ng kalahok na kinabibilangan sa pangakademikong performans na mayroong 90 indibidwal. Ito ay nahahati sa dalawang kasarian na may tig-kalahating porsyento, 45 na babae gayundin 45 na lalake.               II. Kabuuang Porsyento ng pagkatuto ng mga Kalahok / Impormants sa bawat Disiplina  Interpretasyon : Sa talaan bilang dalawa (2), ay tumutukoy sa porsyento ng pagkatuto ayon sa mga asignatura na sakop ng mga kalahok. Ang pinakaaktibo at. may pinakamataas na porsyento ay Mapeh na mayroong 77.788 samantalang ang pinakamababang porsyento ay English na may 67.612% III. Mga Salik na Nakakaapekto sa Pag-aaral ng mga Kalahok / Impormants  Interpretasyon : Sa ika-tatlong talahanayan, pinapakita ang mga pangunahing salik o dahilan na nakakaapekto sa pag-aaral at pagganap ng mga kalahok sa kanilang pang-akademikong performans. Ang pinakanakakaapekto sa pag aaral ng mg

Unang Gawain

Image
       Sa larawang ito makikita ang isang ina na sumisimbolo sa ilaw ng buhay ng kaniyang anak, ang anak na pasan pasan nya sa hirap at kaginhawaan ng kaniyang buhay. Ipinararating ng tula ang pag mamahal ng isang anak sa kaniyang ina, kung paanong ipinararamdam ng anak sa ina ang pangamba kapag ito'y nawala sa piling niya.