TEKSTONG IMPORMATIBO

Neologismo

Ang Neologismo ay isang bagong termino, salita, o parirala, na maaaring nasa proseso ng pagpasok sa pangkaraniwang gamit, subalit hindi pa ganap na tanggap sa pang-araw araw na wika. Kadalasang inuudyukan ang neolohismo ng mga pagbabago sa kultura at teknolohiya, at kadalasang tuwirang tumutukoy ang neolohismo sa isang tiyak na tao, lathala, panahon, o pangyayari. Sa proseso ng pagbubuo ng wika, mas maygulang ang mga neolohismo kaysa sa mga protolohismo. Ang isang salita na may panimulang yugtong nasa pagitan ng protolohismo (kakalikha) at neolohismo (bagong salita) ay prelohismo.

Ang mga neologismo ay madalas na nabuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga mayroon nang salita o sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga salita ng bago at natatanging mga panlapi o mga unlapi. Ang mga neologism ay maaari ring mabuo sa pamamagitan ng paghahalo ng mga salita, halimbawa, ang "brunch" ay isang timpla ng mga salitang "agahan" at "tanghalian", o sa pamamagitan ng pagdadaglat o akronim, sa pamamagitan ng sadyang pag-rhyming sa mga mayroon nang mga salita o sa pamamagitan lamang ng paglalaro ng mga tunog. Ang mga neologismo ay maaaring maging tanyag sa pamamagitan ng mga memetiko, sa pamamagitan ng mass media, Internet, at pagsasalita, kasama ang diskursong pang-akademiko sa maraming larangan na kilala sa paggamit ng natatanging jargon, at madalas na tinatanggap na bahagi ng wika. Sa ibang mga oras, nawawala ang mga ito mula sa karaniwang paggamit nang kaagad na lumitaw. Kung ang isang neologism ay nagpapatuloy bilang bahagi ng wika ay nakasalalay sa maraming mga kadahilanan, marahil ang pinakamahalaga dito ay ang pagtanggap ng publiko. Hindi pangkaraniwan para sa isang salita na makakuha ng katanyagan kung hindi ito malinaw na kahawig ng ibang mga salita. Kapag ang isang salita o parirala ay hindi na "bago", hindi na ito neologism. Ang mga neologismo ay maaaring tumagal ng mga dekada upang maging "matanda", gayunpaman. Ang mga opinyon ay naiiba sa eksakto kung gaano katanda dapat ang isang salita upang mawala ang katayuan nito bilang isang neologism. Kasaysayan at kahulugan.

Balbal at Kolokyal 

Ang mga salitang balbal at kolokyal ay maraming pagkakahawig. Ito ang grupo ng mga salita na ating matatawag natin na “di-pormal”. Subalit, may malaking pagkakaiba ang dalawang uri ng salitang ito. ng salitang pabalbal o balbal ay katulad ring ng kolokyal na di pormal. Ngunit, ito ay tinatawag nating “slang” sa Ingles. Ito ay mga bagong salitang nabuo sa pamamagitan ng pag sama-sama ng iba’t-ibang salitang Filipino o salitang banyaga. Kadalasan, sinasabi na ang salitang balbal ay “salitang kalye” at tinuturing pinakamababang antas ng ating wika. Heto ang mga halimbawa:

Syota – Kasintahan  
Datung – Pera
Todas – Patay
Olats – Talo
Dekwat – Nanakaw  
Purita – Mahirap

Samantala, ang salitang kolokyal naman ay masasabing pinaikling bersyon ng isang salitang pormal. Nagtataglay ito ng kagaspangan subalit maaari rin namang maging repinado batay sa kung sino ang nagsasalita gayon din sa kanyang kinakausap. Halimbawa:

Nasan – nasaan
Pyesta – pista
Dalawa – dalwa
Saakin – akin
Ganoon – ganun
Naroon – naron


Ano ang dahilan ng Neologismo sa Pormal na Edukasyon?

Ang dahilan ng Neologismo sa Pormal na Edukasyon ay ang pag papadali ng bawat salita, sa bawat salita na nabibilang sa Neologismo ay may angkop na kahulugan. Sa larangan ng pormal na Edukasyon ang paggamit ng Neologismo ay hindi maiiwasan dahil sa mga nakasanayan ng mga tao at ng mga nasa paligid nito. 
Ayon sa isang pananaliksik noong 2017, naglalarawan na dapat gamitin ang neologismo sa mga silid-aralan upang mas maging interesado at maraming matutunan ang mga mag-aaral, kahit may iba na hindi nais ang mga salitang neologismo. Sa kabuuan. marami ang sang-ayon kaya malugod lamang na dapat tangapin ang paggamit ng mga salitang neologismo sa pagtuturo at pagkatuto para sa ikalilinang ng akademikong pag-ganap ng mga mag-aaral.

Sanhi ng Neologismo

Ang isang ideya ng tao sa isang salita na nagpapahayag ng kanyang sariling opinyon ay lumalaganap. Dahil dito nagaganap ang pagkakaroon at paglikha ng mga bagong salita. Nagkakaroon tayo ng iba’t-ibang ideya sa paglikha ng mga bagong salita at maaaring ito ay galing sa kombinasyon ng mga salita. patuloy ang paggamit ng mga tao sa iba’t-ibang salitang nalikha sa pamamagitan ng mga ideya. Sa patuloy nitong paglaganap ay nakapagdudulot ito ng pagbabago at pagkakaroon ng pagkakaiba. ang pagrehistro ng iisang salita lamang ngunit maraming kahulugan ay nagaganap sapagkat ang wika ay dinamiko. malaki ang posibilidad ng hindi pagkakaunawaan ng mga tao sapagkat may iba’t-iba tayong pananaw sa isang bagay kung kaya’t magdudulot ito ng pagkakaiba o hindi pagkakapareho. Hindi lahat ay sang-ayon sa pagbabago ng wika kung kaya’t magdudulot at magdudulot ito ng pag-iral ng iba’t-iba at panibagong mga salita.

Bunga ng Neologismo

Sa paglipas ng panahon ang Neologismo ay patuloy na lumaganap sa Pilipinas, sa kadahilanang ito ay ginagamit ng mas nakakarami, sa paglaganap nito ay nabibigyang kahulugan at nagiging mas malinaw sa mga tao ang bawat salita na nabibilang sa Neologismo.

Pagsasalin ng mga Neologismo

LUMANG SALITA, BAGONG KAHULUGAN

BATO
Noon: literal na bato sa lupa
Ngayon: shabu o ipinagbabawal na gamot

DAMO
Noon: isang uri ng luntiang halaman
Ngayon: marijuana

PIRATA
Noon: mga magnanakaw na manlalakbay sa karagatan
Ngayon: mga hindi lisensyadong CD/DVD teyp

BUWAYA
Noon: isang reptilya na may malaking paa, mahabang panga, at makapal na balat
Ngayon: mga taong sakim at makasarili
NGANGA
Noon: nakabukas ang bibig
Ngayon: walang magawa o nagawa

KOMBINASYON NG MGA DATING SALITA

BRUNCH – hango mula sa mga salitang breakfast at lunch. Ito ang ipinantutumbas na salita kapag pinagsabay sa pagkain ang agahan at tanghalian.

SMOG – hango mula sa salitang smoke at fog. Ito ang ipinantutumbas na salita sa pinagsamang usok at hamog sa ere.

  BASAGULO – hango mula sa mga salitang basag at ulo na ipinantumbas sa isang taong mahilig sa gulo.

 SPORK – hango mula sa salitang spoon at fork na ipinantumbas sa naimbento na pinagsamang kutsara at tinidor.

CHILLAX – hango mula sa salitang chill at relax na ipinantutumbas sa isang tao upang ito ay huminanahon at magpahinga.

PAGDADAGLAT O AKRONIM

YOLO – You Only Live Once
KAHULUGAN: ginagamit upang ipahayag na dapat mong gawin ang mga bagay na kasiya-kasiya o kapana-panabik, kahit na ito ay kalokohan o bahagyang mapanganib

TBH – To Be Honest
KAHULUGAN: ginagamit upang ipahayag nang matapat kung ano ang opinyon tungkol sa isang tao o sa isang ideya

 OOTD – Outfit Of The Day
KAHULUGAN: ginagamit upang ipakita kung ano ang damit na isinusuot sa isang partikular na araw o okasyon

DIY – Do It Yourself
KAHULUGAN: isang paraan ng pagbuo o pag-aayos ng mga bagay-bagay nang walang direktang tulong mula sa eksperto o propesyonal

 TGIF – Thank God it’s Friday
KAHULUGAN: ginagamit upang ipahayag ang kagalakan na nararamdaman dahil sa pagtatapos ng linggo nang pagtratrabaho at pagkakaroon ng dalawang araw na pahinga

PAGHIHIRAM AT PAGPAPAIKLI

AMBOY – American Boy

KAHULUGAN: lalaking Pilipino na masugid na tagahanga at tagasunod ng kultura ng Estados Unidos

 PROMDI – From the province

KAHULUGAN: probinsyano o isang taong nagmula sa isang lalawigan

 PINOY – Pilipino
KAHULUGAN: isang mamamayan ng Republika ng Pilipinas

TISOY – Mestiso
KAHULUGAN: tumutukoy sa mga anak ng mag-asawang magkaiba ang lahi

LAB – Laboratoryo
KAHULUGAN: isang pasilidad na nagbibigay ng kontroladong kondisyon kung saan ang mga siyentipiko o teknolohikal na pananaliksik, mga eksperimento, at pagsusukat ay maaaring gawin

PAGPAPALIT NG ISANG BAHAGI NG SALITA

1.     NILUPAK – mula sa salitang nilusak sa Visaya. Ito ay pinaghalong binayong saging o kamote na may kasamang niyog at asukal
2.     KINILAW – mula sa salitang hilaw na isang uri ng pagkain na hindi na dumadaan sa apoy kapag ito ay niluluto sa halip ito ay ibinababad lamang sa suka
3.     LUMPIANG SAGING – mula sa salitang lumpiang shanghai na binalutan ng wrapper at pinapalibutan ng maraming asukal sa pagluluto o mas kilala bilang turon 
4.    HAMBURGER – mula sa salitang burger patty na ipinapalaman sa sandwich. Ito ay isang uri ng pagkain na may palaman sa gitna ng dalawang tinapay.
5.    DINUGUAN – mula sa salitang dugo na isang lutuing Pinoy na ang pangunahing sangkap ay dugo ng baboy

 PAGGAMIT NG MGA PANLAPI

1.      GOOGLISASYON – nagpapakita ng paglawak nang serbisyo ng Google mula sa pagbibigay ng mga impormasyon mula sa mga artikulo hanggang sa maaari na rin ditong bumili ng mga bagay-bagay na maaaring magamit sa pang-araw-araw na pamumuhay
2.      GLOBALISASYON – konsepto ng mas malawak na pagkaka-ugnay-ugnay ng mga negosyo, kultura, kalakal, serbisyo at teknolohiya ng iba’t-ibang bansa sa buong mundo
3.      AKTIBISTA – mga taong gumagawa o naghahanap ng pagbabago sa lipunan
4.      KANIBALISMO – pagkain ng isang hayop sa kapwa niya hayop
5.      PROPAGANDISTA – mga taong kabilang sa isang propaganda noong panahon ng mga Kastila

PAGGAMIT NG MGA TATAK NG PRODUKTO

1.      COLGATE/ KOLGEYT – tatak ng pasimada
2.     DOWNY – tatak ng fabric conditioner o pampalambot at pampabango ng    mga damit
3.      BEAR BRAND – tatak ng gatas
4.      PAMPERS – tatak ng diaper o lampin ng bata
5.      TANG – (dyus) tatak ng pampalasa sa inumin

Sanggunian

Gabriel, R.A, Garcia R (2020). NEOLOGISMO.E-Portfolio, 
Retrieved from https://mbsnsl.tumblr.com/post/635204565468381184/neologismo

"neologism" – WordSense Online Dictionary (27th March, 2022) 
URL: https://www.wordsense.eu/neologism/

Roldan, M.J (2018). Ano ang Neogalismo?. 
Retrieved from https://www.recursosdeautoayuda.com/tl/mga-neologism/#google_vignette

sguerra, C. (2018). Propagandista Rizal. Retrieved from HTTPS://WWW.SLIDESHARE.NET/PROPAGANDISTA-RIZAL

Kolb, M. (2018). What Is Globalization?.  Retrieved from HTTPS://WWW.PIIE.COM/GLOBALIZATION/WHAT-IS-GLOBALIZATION?

Comments

Popular posts from this blog

Unang Gawain

Tekstong Prosijural