BALANGKAS AT SANAYSAY

BALANGKAS

l. Introduksyon

Ayon sa ating yumaong pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal, Kabataan ang pag-asa ng bayan. Ang daming kabataan na ang naligaw na ng landas. Nalulolong sa droga, tamad ng mag-aral, nagagawi sa mga maling bisyo at nasasangkot sa mga krimen. Patagal na ng patagal nawawala na rin ang kanilang respeto sa paaralan at maging sa kanilang tahanan. Nawawalan na sila ng paggalang sa mgamas nakakatanda, kapwa at sa kanilang mga magulang at maging sa paggamit ng ‘po at opo’ kanila na ring kinalimutan.
Maraming kabataan ang matatawag mo pang pag-asa ng bayan, may mataas na pangarap sa buhay ,may pagpapahalaga sa edukasyon at may pagmamahal sa ating bayan, ngunit mas marami parin ang mga kabataang walang direksiyon sa buhay, mga kabataang nagbago kasabay ng paglipas ng panahon.

II. Ugali at paraan ng pamumuhay

A. Positibo
1. Mabuting Mag-aaral- Sa panahon ngayon marami rin ang nagsusumikap sa pag-aaral upang mas maabot nila ang tagumpay.

2. Mabuting Mamamayan- Sa pag sali sa mga organisasyon ng pumapatungkol sa mamamayan ay malaking tulong upang ikaw ay magkaroon ng pagkakaisa sa bayan. 

B. Negatibo
1. Maagang Pagbubuntis- Maraming kaso sa Pilipinas ang maagang pagbubuntis ng mga kabataang wala pa sa tamang edad, marahil sila ay natutukso at kulang sa kaalaman ng kahihinatnan.

2. Magkalulong sa masamang Bisyo- Marami ngayon ang kabtaang lulong sa masamang bisyo na nagiging sanhi ng pagkasira ng buhay.

3. Pag ka adik sa mobile na laro- Dito sa Pilipinas mas marami ang kaso ng mga kabataang mas babad sa kanilang mga telepono na nagiging sanhi ng  pagkakasakit at kapabayaan sap ag-aaral.

III. Konklusyon

Sa dami ng kaso ng mga kabataan na nalululong sa masamang bisyo at maagang pag bubuntis, hindi na masasabing kabataan ang pag-asa ng bayan. Hindi na rin masasabing kabataan ang pag-asa ng bayan marahil napakalaki ng kaso ng kabataang naaadik, o babad sap ag lalaro ng Mobile Games.

SANAYSAY

       Kabataan nga ba ang pag-asa ng Bayan?

         Sa Kataga ng ating yumaong pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal, “Kabataan ang pag-asa ng bayan”, Masasabi pa rin bang kabataan nga ang pag-asa ng ating bayan? Sa aking sariling opinion at pananaw maaaring hindi na kabataan ang pa-asa ng ating bayan. Dito sa Pilipinas parami na ng parami ang kabataang nagiging sangkot sa iba’t-ibang krimen tulad ng pag gamit ng Droga, pag nanakaw at pag patay, gayun din sa mga bagay na hindi tama, at wala pa sa oras gaya ng maagang pag bub untis ng mga kabataan, pag bababad sa kanilang computer o Mobile Phone upang makapag laro ng Mobile Games, hindi paggalang sa mga nakakatanda, pagsuway sa magulang at pag sagot ng hindi tamas a kanilang kapwa.

Sa Paglipas ng panahon, mas lumalaganap ang mga ganitong kaso na kadalasan kabataan ang sangkot, kaya paano natin mapapatunayan na kabataan ang pag-asa ng bayan kung bayan mismo ang di alam kung paano itutuwid ang kabataan. Ngunit masisisi ba natin ang iba sa kanila kung bakit kinahaharap nila ang ganoong klase ng pamumuhay? Marahil hindi sapagkat ito ay obligasyon ng ating mga magulang, kinakailangan na sila ang gagabay mismo sa kanilang mga anak upang maiwasan ang ganoong klase ng pamumuhay at mailayo sa hindi magandang mga gawi. Ngunit Maraming kabataan ang matatawag mo pang pag-asa ng bayan, may mataas na pangarap sa buhay ,may pagpapahalaga sa edukasyon at may pagmamahal sa ating bayan, ngunit mas marami parin ang mga kabataang walang direksiyon sa buhay, mga kabataang nagbago kasabay ng paglipas ng panahon at oras. 

Kung nabubuhay pa kaya si Dr. Jose Rizal, matutuwa kaya siya sa kalagayan ngayon ng mga kabataan dito sa ating bayan? Marahil ay hindi! Kinakailangang gumising na tayo sa mga mali nating ginagawa, tayo na at magsilbi sa ating bayan, at lipunang ating ginagalawan huwag nating hayaang tayo ay maging salot sa ating lipunan o sa ating bayan sa halip ay ating panindigan na tayong kabataan ang pag-asa ng bayan, hindi pa huli ang lahat.

Comments

Popular posts from this blog

Unang Gawain

Tekstong Prosijural