Tula tungkol sa pulitika
Dito sa Pilipinas
Sa Pilipinas na ating kinagisnan
Tuwing mayo maraming nag babangayan
Para ng mga aso kung magtahulan
Puno na ng pulitika ang usapan
Pulutikang parumi na ng parumi
Mga balimbing wari ay dumarami
Pagpapakitang tao doon at dito
Magbabait sa una upang iboto
Ngunit kapag sila na ang nakaupo
Nag mistulang bula sila ay nag laho
Bulok na sistema ang kalalabasan
Kahirapan lalo ang patutunguhan
Comments
Post a Comment