TEKSTONG ARGUMENTATIBO

Tekstong Argumentatibo

Ang bansang Russia ang pinakamalaking bansa sa buong Europe.Ito ang bansang nakalagak sa dalawang kontinente,ang silangang bahagi nito ay nakapaloob sa Asya at ang kanlurang bahagi nito ay nakalagak sa Europa.Halos isa sa walong bahagi ng lupain sa daigdig ay sakop ng Russia. Taong 1992 ng mabuo ang Union of Soviet Socialist Republics (USSR) na mas kilala sa tawag ng Soviet Union at dalawa sa pangunahing haligi nito ay ang Russia at Ukraine, lumago ang komunistang union at matapos ang ilang dekada naging lipon ito ng labinlimang republika, pinaka domenante rito ang Russia na nagging isang Super Power dahil na rin sa Nuclear Weapons nito, pero kalaunan ay nagging magulo ang Soviet Union dahil sa napakaraming intriga dahil sa politika, Ekonomiya at pag gastos ng pondo. Taong 1991 matapos ang halos pitong dekada tuluyan itong bumagsak ang dahilan ay ang pag boto ng Ukraine para sa kalayaan sa isang Democratic Referendum. Lumakas ang impluwensya ng Europa at ng Amerika sa mga dating myembro ng Soviet Union, ang ilan sa kanila ay sumali sa North Atlantic Treaty Organization (NATO) isang military alliance ng western country. Dating nag pahayag ang NATO ng intension alukin ang Ukraine na maging myembro, bagamat hindi pa natutuloy kapansin pansin ang pag killing ng Ukraine sa kanluran bagay na hindi naman nagugustuhan ng Russia, tingin kasi ng Russia banta ito sa siguridad sa rehisyon. Sa isa naming pahayag noong July 2021, sinabi ni Russian President Vlademir Putin na ang mga Russian at Ukrainian ay iisa. Inakusahan nya ang mga kanlurang bansa sa pambibilog sa Ukraine para pwersahan itong alisin sa panig ng Russia. At sa mga nakalipas na buwan pinalalakas ng Russia angpwersang Militar sa paligid ng Ukraine, giit naman ng Russia tugon nila ito sa separatist Group sa Ukraine na humihingi ng tulong para labanan ang Ukrainian Military. Ang matagal ng malamig na ugnayan ng dalawang bansa ngayo’y nasa bingit ng pananakop at digmaan. – (CNN Philippines Headline).

Konklusyon

Hindi ako sang-ayon sa pananakop ng Russia sa Ukraine, dahil napakadaming negatibong epekto ito sa iba’t ibang bansa tulad nalang sa Pilipinas.  Ang Pilipinas ay parte ng pandaigdigang ekonomiya, at ang walang saysay na pananakop ng Russia sa Ukraine ay nagdudulot na ng samut-saring epekto sa iba’t ibang bansa. Gaya ng pag taas ng presyo ng langis na hindi nagdudulot ng magandang epekto sa mga tao. Sa pag taas ng presyo ng langis ay apektado din ang pag taas ng presyo ng Gasolina, Pamasahe, Mantika at pati kuryente. Ang Russia kasi ang isa sa pinakamalaking oil exporters sa mundo ngayon. Responsable ito sa 4 hanggang 5 milyong bariles ng langis kada araw, o 8% ng pandaigdigang supply. Saudi Arabia, ang US, at Russia ang nasa top 3 oil producers sa ngayon. Isa rin ang Russia sa top exporters ng natural gas sa mundo. Ngunit kaliwa’t kanan na ang “sanctions” o parusang ipinapataw ng maraming bansa sa Russia dahil sa pananakop nito sa Ukraine. Halimbawa, hindi na pinapayagang dumaong ang tankers ng Russia sa iba’t ibang daungan sa Europe. Itinigil na rin ng ilang malalaking oil companies ang kanilang mga operasyon sa Russia. Ang ibang oil traders naman, sa ibang bansa na lang gustong bumili ng langis upang ’di madawit sa sanctions. - (Philippine Economy-JC Punongbayan, PhD, assistant professor at the UP School of Economics.)

Epekto ng digmaan sa Mundo ng Engineering

Ang epekto naman ng digmaang ito sa mundo ng Engineering ay maaring makapag dulot ng magandang opurtunidad para sa mga Sibil Inhenyero dahil sa libo libong istraktura na nasira sa bansang Ukraine dahilan ng pag papasabog ng Russia. Sa muling pag bangon ng bansang Ukraine sa paglipas ng mga panahon ang una nilang kinakailngang gawin ay muling ayusin at ipatayo ang mga istrakturang nasira gaya ng mga Ospital, Paaralan, Opisina at iba pa, sa pag papaayos at pag papatayo nito kinakailangan ng napakaraming Inhenyero. Ito ay magiging malaking proyekto at magiging malaking kapakinabangan sa mundo ng Inhenyero. Ang mga proyektong ito ay mag bibigay ng napakalaking opurtunidad para sa kanilang trabaho sa hinaharap.

Comments

Popular posts from this blog

Unang Gawain

Tekstong Prosijural